Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

Saturday, November 16, 2013

Kaguluhan

Ginawa kong iwasan ka. Ginawa kong isipin na tapos na, hindi na ako aasa pa, at kailan man ay hindi tayo pwede. At habang lahat ng senyales ay sumasang-ayon na wala naman talagang posibilidad na maging tayo, bakit hindi ko kayang isuko? Bakit sa tuwing sigurado na ako sa mga desisyon ko ay lagi na lamang may nangyayari upang magustuhan kita?

Tunay ngang magulo ang mundong ginagalawan natin. Pero sana, sana, matutunan ko nang tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa, na hindi mo naisipang subukang pasayahin ako, na ako'y di hamak na isang maliit na parte lamang ng mundo mo, nang matahimik na ang aking puso. Parang awa mo na, patahimikin mo na ang aking puso.

Reading Corner

Powered by weRead
 

Teacher Andrea Writes Privately Again | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates